Supra Tatay Na, Supra Nanay Pa!

Sino nagsabing ang mga machong Supra Tatay na ‘to ay pang-macho jobs lang pagdating sa bahay?

Check out these Supra Tatays na ‘di lang the best sa pagiging haligi ng tahanan, magaling din sa pagiging Supra Nanay!

 

All out sa paglilinis


Source: @jamanilyn69 via Twitter

Akala niyo si Nanay lang ang pulido pagdating sa paglilinis? Aba! Look at this Supra Tatay – ‘di sapat sa kanya ang linis na pwede na. Talagang bawat sulok, siguradong na-scrub at nakuskos. Kaya naman si Nanay, impress na impress ‘din.

 

Total love and care sa mga anak!


Source: @mauiestoce via Instagram

Number one din siya pagdating sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang mga anak. Nandiyan para yumakap at umalalay. Kahit pa sinusumpong si baby, kayang-kaya ni Tatay patawanin ‘yan. Ganyan siya magmahal.

 

Masterchef pagdating sa kusina


Source: https://youtu.be/kr88ocvmFpg

Ang mga dishes niya, akala mo professional chef ang naghanda. Kaya pagdating sa kusina, ‘wag niyo siyang mamaliitin. ‘Pag natikman mo ang luto niya, sure na hahanap-hanapin mo.

 

Palaban pagdating sa labada



Source: https://www.facebook.com/BatangPinoyNgayonNoon/posts/743548909370829

Sabi nga nila, ang tunay na gwapo sanay maglaba! ‘Yan si Supra Tatay. Palaban sa labada. Weekly kung harapin ang mga dumi’t mantsa. At kahit na gaano pa katindi ang manstang haharapin, kayang-kaya niya ‘yan kusutin. Lahat, kaya niyang paputiin!

 

Happy Father’s Day to the coolest Supra Tatays na ‘di lang the best sa pagiging ama,
the best ‘din sa pagiging ina.

Saludo kami sa inyo, tunay na ‘di naging mansta sa inyong pagka-lalaki ang pagiging Supra Nanay.

Maraming salamat po sa lahat ng inyong sakripisyo at pag-aalaga.

Enjoy your special day!